times you visit my page

|
Who are you?
I’m Fatima P. Salazar who Loves God, Make Disciple and Impact our World.
|
|
may kaibigan akong broken-hearted ngayon. nagkwento siya at ako naman nagbibigay lang ng side comment. sabi ng kaibigan ko, iba na daw pag expert, galing daw magpayo dahil nakakahilom ng puso. hindi naman talaga ako expert. actually di ko man nga napapansin na nagpapayo na ako pagdating sa love or relationship na yan o kung payo ba talaga ang maitatawag dun kasi hindi ko pa nararanasan. nbsb. lol. pero nalaman ko na tama nga ang quote na ito, Being single doesn’t mean that you don’t know a thing about love. In fact, being solo is a lot wiser than being in a relationship. pero natutuwa ako dahil kahit papaano ay nakakatulong ako sa paghilom ng puso ng mga kaibigan ko. :)
|
|
Happy Birthday to my dearest Lola Dolor
kaninang umaga nagsimba kaming magkakapatid kasama si mah (tawag namin sa aming lola). sinabi ng magulang namin, ihahatid lang daw muna nila ung mga upuan na hiniram ng kaibigan nila. kaya kaming lima lang muna nagsimba. tapos nun, nagpagupit ung dalawa kong lalaking kapatid. habang nagpapagupit sila, nagtext na si mommy at sabi niya punta na daw kami sa bahay ng tita namin. kaya after namin magpagupit, sinabi ko kay mah na nagtext si tita at pinapapunta siya sa bahay nila. nung una, iniiwan niya muna kami sa Nepo Mall para hintayin na lang daw magulang namin pero nagpumilit pa rin kami sumama. akala niya may padala lang ung anak niya na nasa abroad kaya pinapunta siya dun. pagkarating namin, nasurprise siya dahil ipinaghanda namin siya ng birthday party at andun lahat ng kapatid at kaibigan niya. naiyak pa nga siya sa tuwa ng makita sila. lahat ng un ay plano lang namin para isurprise siya sa kanyang kaarawan. :)
|
|
~first and last overnight in the first semester of college life. and it because of Bueno Marketing. lol. but we had so much fun and bonding. love you friends [3PSL] :-*
|
|
super saya kanina. namiss ko sila ng sobra. sayang mabubuo na sana kami kaya lang nun una, ako ung wala tapos nun gabi, si lady naman un wala. pero masaya pa rin kasi nakasama ko silang muli. tawa kami ng tawa nung pauwi na lang. nakakahiya na nga kasi nasa harap ba naman kami ng gate ng hau nagtatawanan at may nakaparada pang jeep sa kabila naman. kaya aun sa ibang jeep na lang kami sumakay kasi naman nahiya na kami dun sa nakaparada. sayang andun pa naman un poging kapitbahay namin kung saan dapat kami sasakay. lol. but i enjoy this day. :))
|
|
did he stares at me or i’m just assuming? i can’t tell. but i admit that i also stared at him only at the edge of my eye. haha. that’s why i don’t know exactly if he’s looking at me then. coz when i saw him at the edge of my eye i sense that he stole a glance from me (nakaw-tingin) haha. assuming much? XD
|
|
it’s been a tiring day. we had a saturday class and the schedule is whole day. the subject we took up is ORIENT. yea, it’s just an orientation about our school, Holy Angel University. we tour the different places or buildings at HAU like the Kapampangan Center, Kamulatan, University Theather and the Gym. that’s why i got so tired. :|
i miss TJ. thanks to Ruth coz we had a mini reunion at their house coz she and her mom celebrated their birthday. i was so happy seeing them. we had so much fun. we’re always laughing coz of the different stories that some of us share about their experience during the first week of class. it’s a bonding moment with TJ. i miss you so much. i love you all. ;)
|
|
June 13, 2010
akala namin Father’s Day na, hindi pa daw pala. nag-greet kasi un katxt ko nun midnight kaya nun umaga, nag-greet na kami sa aming daddy. tapos biglang ngtxt ulit un katxt ko nun gabi at sinabi niya na advance pa lang daw pala un. nakakatuwa naman, nag-greet na rin daw kasi sila sa tatay nila. well, advance talaga kami. haha. nag-advance celebration na rin kami. maaga kaming nagsimba then pumunta sa SM Clark. tapos bumili si daddy ng bagong digicam, nasira kasi un sa amin. nanghihiram lang kami nun pero ngayon meron na. ;)
|
|
may pasok na talaga bukas. excited na kinakabahan. parang ayaw ko pang pumasok pero gusto ko na rin. halo-halo na ang aking nararamdaman. bagong yugto na kasi ang aking papasukan sa pag-aaral. di lang halata pero college na talaga ako niyan. haha. goodluck sa akin at pati na rin sa lahat ng papasok na bukas. see you tomorrow college life. ;)
|
|
sa wakas may bagong gitara na ako. yehey! kaya lang di naman ako marunong tumugtog. magpapaturo sana ako sa isang kaibigan, pumayag naman siya, sana nga may time para maturuan niya ako. desidido talaga akong matuto kaya sabi niya tuturuan niya daw ako. ;)
James will you please teach me? ♥
|
|
|