January 8, 2012
Dream come true. Nakita ko na rin sa personal si Daniel Padilla. Wala nga lang kaming maayos na picture sa kanya dahil sa sobrang gulo ng mga tao. Pero atleast nakita ko pa rin siya. Grabe! Andami namin pinagdaanan ni Ave bago makita siya: nakisiksik sa mga babaeng gustong makapasok sa mall tour niya, tumakbo sa kabilang dako ng SM para bumili nung eco bag na mali naman pala dahil kulang ang nabili namin, sinigawan ang mga security guard para papasukin kami. Buti na lang nagkita kami ng pinsan ko ang nakapasok dahil sa tita niya na nasa loob na. Grabe, nagawa namin yun para lang makita si DJ. LOL. Kahit saglit lang namin siya nakita, buo na ang araw ko nun. :”>
POST DETAILS:
Posted on
January/22/2012