Coming Soon
Nagreunion kaming OMG pero kulang kami dahil wala si Mark. At ito yung movie na pinanuod namin kina Jessie. Nung una dapat Human Centipede pero nakakadiri kaya pinalitan namin. Ito naman Coming Soon, Thai movie at wala pang subtitle. Kaya kanya-kanya kaming translation kung ano na sinasabi ng mga cast. Haha. Pero grabe to. Sobrang nakakatakot! Sigawan kami. Tapos biglang matatawa sa mga reaction namin. Lol. Pero masaya naman kasi sama-sama kaming nanuod at nagkasama-sama din kami sa wakas. Nagkaroon pa nga ng panghuhula sa cards at sa necklace. Sana sa susunod naming get together, kumpleto na ang OMG. <3
POST DETAILS:
Posted on
December/29/2011